Nagkasa ng tila sariling bersyon ng Oplan Greyhound ang Manila City Jail kasunod ng report ng mga iligal na aktibidad sa loob ng piitan.
Ayon kay Jail Senior Inspector Jay Rex Joseph Bustinera, spokesman ng Manila City Jail, sinira nila ang mga kubol sa loob ng piitan at hinalughog ang bawat selda kung saan nasamsam nila ang mga bote ng alak, mga CD na naglalaman ng pornographic materials, bingo cards, deadly weapons at mga drug paraphernalia.
Iniimbestigahan na aniya nila kung paano nakapasok sa loob ng selda ang mga nasabing bagay.
Sinabi ni Bustinera na bawal muna ang pagbisita sa mga preso habang isinasagawa nila ang Oplan Linis Piitan.
Oplan Greyhound sa Antipolo City Jail
Narekober ng mga otoridad ang mga kontrabando sa ginawang raid sa labing isang (11) dormitoryo sa Antipolo City Jail sa Rizal.
Ang isang improvised na patalim na gawa sa kutsara ang kabilang sa mga nasabat sa Oplan Greyhound ng mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) at Philippine National Police (PNP).
Bukod pa ito sa mga water heater, ink sa pagta-tattoo, plastic bottles at mahahabang belt.
Sinabi ng BJMP na ang Oplan Greyhound ay nasa trial stage pa.