Ipagpapatuloy ng Manila City LGUs ang mga serbisyong pangkalusugan sa kanilang nasasakupan.
Ito ay matapos makatanggap ang Lokal na Pamahalaan ng pinakamataas na komendasyon o papuri ang Sta. Ana Hospital (SAH) mula sa Department of Health (DOH).
Nabatid na ang SAH ay nagsilbi bilang sentro ng Covid sa Lungsod noong kasagsagan ng pandemya kung saan, binisita ng DOH ang vaccine cold storage facility, physical rehabilitation area at dialysis center ng naturang ospital.
Tiniyak naman ng Manila City Government sa DOH na ang SAH ay nagbibigay ng full coverage sa lahat ng pasyente at magkaroon ang lahat ng access sa quality at holistic healthcare services.
Nagpasalamat naman ang DOH sa lungsod sa pagpapakita ng ‘excellency’ at inobasyon, na nagpapatunay sa patuloy na pagkakaloob ng de kalidad na healthcare para sa mga mamamayan.