Muling nagpatutsada si presidential aspirant at Manila City Mayor Isko Moreno sa kaniyang mga katunggali.
Sa naganap na miting de avance sa Moriones St. sa Tondo, Maynila na dinaluhan ng 50,000 taga-suporta, binatikos ni Moreno ang kaniyang dalawang malakas na kalaban sa pagkapangulo.
Ayon kay Moreno, wala ang kaniyang mga katunggali noong mga panahong na nasa gitna ng pagsirit ng kaso ng COVID-19 ang bansa.
Kinuwestiyon din ni Moreno ang paggamit ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo ng salitang “laylayan para sa mga mahihirap” kung saan, tila minamaliit pa ni Robredo ang mga mahihirapna pilipino.
Bumanat pa si Moreno na ang krisis sa gitna ng pandemiya ay hindi masosolusyonan ng lugaw.
Sa huli, muling pinasalamatan ni Moreno ang lahat ng sumusuporta sa kanilang partido at nangakong tutulong sa lahat ng pagkakataon.