Nahaharap sa paglabag sa kasong Anti-Graft at Corruption Practices Act ang mga opisyal ng pamahalaan ng Maynila kasunod ito ng pagsasapribado ng 7 palengke sa lungsod.
Kabilang sa mga kakasuhan ay sina Manila Mayor Joseph Erap Estrada, Vice Mayor Isko Moreno at mga konsehal.
Ayon kay Edith Santos, isa sa mga Board Member ng Director ng Quiapo Market Development Cooperative, nagkaroon ng pag-abuso sa kapangyarihan ang pamunuan ng Maynila sa pagpasok nito sa kasunduan sa Marketlife Management and Leasing Corporation para sa pagsasapribado sa mga palengke sa loob ng 25 taon.
Samantala, bilang pagtutol ay magsasagawa ang grupo ng serye ng kilos protesta kabilang ang pagmamartsa at pagsasagawa ng noise barrage.
By Rianne Briones | Aya Yupangco (Patrol 5)