Minarkahan na ang mga magiging istasyon ng tren para sa Manila-Clark Railway Project.
Labing pito (17) ang magiging istasyon ng railway project na magsisimula sa tutuban, Tondo, Caloocan at Valenzuela sa Metro Manila; Valenzuela, Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Malolos, Calumpit sa Bulacan; Apalit, San Fernando, Angeles, Clark International Airport at sa Panuaklang New Clark City sa Pampanga.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, sisikapin nilang matapos sa ilalim ng Duterte administration ang dalawandaan at dalawamput limang bilyong pisong (P225-B) proyekto na popondohan sa ilalim ng official development assistance mula sa Japan.
Ang isandaan at anim (106) na kilometrong railway project ay isa lamang sa mga tinaguriang high impact projects sa ilalim ng Build Build Build Infrastructure Project ng administrasyon.
By Len Aguirre