Inaasahang gagaan na ang biyahe ng may 350,000 pasahero pagsapit ng taong 2021 .
Ito’y sa sandaling matapos na ang 106 na kilometrong railway project na siyang magdurugtong sa Metro Manila gayundin sa mga lalawigan ng Bulacan at Pampanga.
Kahapon, inilunsad ng Department of Transportation ang marking sa limang istasyon na daraanan ng Manila – Clark Railway Project sa ilalim ng build, build, build program ng administrasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella, 17 istasyon ang itatayo na magsisimula sa Tondo sa Maynila at daraan sa Caloocan at Valenzuela City sa Metro Manila.
Daraanan din ng nasabing railway system ang mga bayan ng Meycauayan, Marilao, Bocaue, Balagtas, Guiguinto, Malolos at Calumpit sa Bulacan gayundin sa Apalit, San Fernando, Angeles, Clark International Airport at magtatapos sa panukalang new Clark city sa Pampanga.
Dalawandaan at dalawampu’t limang Bilyong Piso ang ilalaang pondo para sa nasabing proyekto sa ilalim ng official development assistance mula sa Japan.
By: Jaymark Dagala / Aileen Taliping
Manila – Clark Railway System pinasinayaan na was last modified: June 27th, 2017 by DWIZ 882