Hindi na matutuloy ang Manila concert ni Charlie Puth na nakatakda sana sa Nobyembre.
Ayon sa promoter nitong MMI Live, ikinalulungkot nilang hindi na matutuloy ang “Voicenotes” tour ng American singer/songwriter dahil sa anila’y hindi inaasahang pangyayari.
Gayunman, hindi naman na nagbigay ng dahilan o ano pa mang detalye ang promoter.
Gayunman, ang mga nakabili na ng ticket para sa concert ni Charlie Puth ay maaaring makapagpa-refund simula ngayong araw.