Nag-abiso na ang Manila District Traffic Enforcement unit na maraming kalsadang isasara isang linggo bago ang Undas.
Simula Oktubre 30 hanggang Nobyembre 2 ay sarado ang ilang bahagi ng Aurora Boulevard, Blumentritt, Dimasalang, Retiro, P. Guevarra, Leonor Rivera at Maceda Streets sa Maynila.
Ang mga nabanggit na lansangan ay nasa paligid ng Manila North, La Loma at Chinese Cemeteries.
Ipagbabawal ang street parking sa Retiro at laong-laan at mga kalyeng itatalaga para sa re-routing at bawal ding ipasok ang kahit anong sasakyan sa kahit saang sementeryo sa lungsod.
Tiniyak naman ng Manila Police District na may mga tauhan silang magpapatupad ng batas trapiko maging sa Manila South cemetery upang makatuwang ng Makati City Police District.
By: Drew Nacino I Aya Yupangco (Patrol 5)