Maglalaan ng P10-bilyong pondo ang lokal na pamahalaan ng Maynila para sa pagtatayo ng maraming housing project sa lungsod at pagbili ng karagdagang medical equipment para sa ospital ng Maynila.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, mayroon nang 10 sites kung saan itatayo ang proyektong pabahay para sa mga informal settler at mga kawani ng Manila City Hall.
Aniya, nagpahayag na ng suporta ang Land Bank of the Philippines sa proyekto ng pamahalaang lokal.
Nabatid na nakipagpulong ang alkalde sa land bank executives noong Biyernes para sa nasabing proyekto.