Magtatakda ang Manila City government ng apat na lugar para i-accommodate ang mga deboto na dadalo sa misa sa Quiapo Church para sa kapistahan ng Itim na Nazareno sa ika-9 ng Enero.
Ipinabatid ni Manila Mayor Isko Moreno na kabilang sa mga itinalagang lugar na ito ang Villalobos, Carriedo, Hidalgo at Plaza Miranda, bilang konsiderasyon na rin sa Simbahang Katoliko sa mga pagtitipon nito sa gitna ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.
Mamahagi rin aniya ang city government ng face mask at face shield sa mga deboto sa loob ng Quiapo Church.
Una nang inihayag ni Fr. Douglas Badong, spokesman ng Quiapo Church na hindi na muna kabilang sa pagdiriwang ng kapistahan ng Itim na Nazareno ang prusisyon at salubong o pahalik para maiwasan ang COVID-19 transmission.