Mas pinalawig pa ng lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila ang mga proyekto para sa mga senior citizens at Person with Disabilities (PWDs).
Ito ay matapos madagdagan pa ang mga fast food restaurants at supermarket na nagbukas ng bakanteng trabaho para sa mga ito.
Nakapaloob ito sa kasunduang pinirmahan ni Manila Mayor Isko Moreno at pamunuan ng mga naturang kumpanya.
Samantala, lubos na nagpasalamat si moreno sa ginawang hakbang ng mga ito.