Nagsagawa ng mass vaccination simulation activity ang Pamahalaang Lungsod ng Maynila para sa mga nakatatandang residente ng lungsod.
Sa datos, ayon kay Manila City Health Officer, Dr. Arnold Pangan, pumalo sa 100 mga senior citizens ang lumahok sa aktibidad.
Ayon kay Pangan, layon ng naturang aktibidad na maipadama sa mga senior citizens na prayoridad ang kanilang sektor na mabakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Paliwanag ni Pangan, sa naturang aktibidad nakita rin ng lungsod ang mga kinakailangang gawin para mas mapabuti pa ang gagawing mass vaccination.