Nakatanggap ng pagbabanta sa pamamagitan ng tawag sa telepono ang Manila International Airport Authority o MIAA.
Sa inisyal na impormasyon, mismong ang tanggapan ng airport police sa NAIA Terminal 3 ang nakatanggap ng dalawang tawag.
Ang unang tawag ay naganap noong Sabado, Oktubre 31 at ang ikalawang tawag ay kahapon, pasado 12 ng tanghali.
Sa isinagawang international trace ng electronic communications ng MIAA, overseas call pa ang isa sa mga tawag.
Dahil sa insidente, nagpatupad na ng precautionary measure ang pamunuan ng MIAA at inalerto ang lahat ng kapulisan maging ang mga airport police na nakatalaga sa lahat ng paliparan.
Kasalukuyan pang bine-beripika kung kanino ang mga numerong lumabas.
By: Meann Tanbio I Raoul Esperas (patrol 45)