Handang patayuan ng Manila local government unit ng barangay hall ang mga barangay sa lungsod na wala pang punong tanggapan.
Inamin ni Manila City Mayor Honey Lacuna na isang malaking problema sa kanilang siyudad ang kawalan ng barangay hall sa ilang mga barangay sa Sta. Mesa, Manila.
Sa muling pakikipag ugnayan ni Lacuna at Vice Mayor John Marvin Nieto sa taumbayan, sinabi ng ilang punong barangay na hindi sila makapagtayo ng barangay hall sa mismong kalsada o dahil magiging sagabal ito para sa mga pedestrian.
Sinabi naman ni Lacuna na handa itong makipagtulungan sa mga punong barangay. Kailangan lamang ng mga ito na maghanap ng bakanteng lote at sila na ang sasagot sa mga gastusin. —sa panulat ni Hannah Oledan