Welcome para sa pamahalaang lungsod ng Maynila sa mungkahing buksan din ang kanilang libreng swab test para sa mga karatig lugar nila sa Metro Manila.
Ito ang inihayag sa DWIZ ni Manila Mayor Isko Moreno kasunod ng ipinatupad nilang mandatory swab test para sa mga residente at manggagawang magbabalik lungsod matapos ang ilang araw na bakasyon.
COVID-19 is a universal problem, it has to be aprroaching exclusively. So hangga’t kaya namin yakapin matapos namin yakapin ang aming taga-lungsod bakit naman hindi. ani Moreno sa panayam ng DWIZ
Ayon kay Moreno, nais nilang matiyak na hindi na tataas ang kaso ng COVID-19 sa kanilang lugar at mapanatiling mababa sa 300 ang bilang ng aktibong kaso ng virus.
Kasunod nito, hinikayat ni Moreno ang mga Manileño na magkusa na lamang upang magkaroon ng kapanatagan sa bawat isa lalo’t karamihan ay magbabalik trabaho na simula sa Lunes.