Inayos na ng Manila City Government ang ilang panuntunan nito kaugnay sa mass vaccination sa lugsod.
Ayon sa Manila City Government bukas ang vaccination center mula alas-6 ng umaga hanggang alas-7 ng gabi at gagawin ang first dose ng A1 hanggang A5 priority groups sa nsan Andres Sports Complex kung saan nakalaan ang 2,000 doses.
500 doses naman ang inilaan para sa first dose vaccination schedule ng A1 hanggang A5 priority groups sa mga ospital sa maynila tulad ng Sta. Ana Hospital, Ospital ng Maynila, Gat Andres Bonifacio, Justice Jose Abad Santos, Ospital ng Sampaloc at Ospital ng Tondo.
Tig-isanlibo at limandaang (1,500) doses naman ang inilaan sa ibat ibang eskuwelahan sa buong lungsod at tig-2,000 doses ang inilaan para sa second dose vaccination sa apat na malls sa Maynila.
Una nang dinagsa ng mga residente ng Maynila ang San Andres Coliseum at sinamantala ang holiday kahapon para magpabakuna dahil sa pangamba sa Delta variant ng coronavirus.