Maglalaan ng pondo ang lungsod ng Maynila para sa pagtulong sa probinsya ng Visayas at Mindanao na nasalanta ng bagyong Odette.
Inatasan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang sangguniang panglungsod sa pangunguna ni Vice Mayor Honey Lacuna para magpasa ng resolusyon sa pagpapalabas ng pondo para sa relief operations.
Umapela rin si Moreno sa publiko na magsagawa ng Fund Raising Drive para sa relief efforts na maaaring tawagin na “Tulong Ng Manilenyo sa mga Nasalanta ni Odette”.
Samantala, balak rin ni Moreno na muling puntahan ang Cebu para personal na pangunahan ang relief efforts mula sa Maynila. —sa panulat ni Kim Gomez