Pinaplantsa na ng Manila LGUs ang planong gawing libre ang entrance fee sa Manila Zoo sa susunod na taon.
Ayon sa pamahalaang lokal ng Maynila, nauunawaan nila ang kalagayan ng mga taong nais makapamasyal sa Manila Zoo pero walang sapat na pera dahil sa sitwasyon bunsod ng COVID-19 pandemic.
Layunin ng pamahalaang lokal na maiwasan ang paggastos at ma-enjoy ng publiko ang pagbisita dito.
Matatandaang isinailalim sa rehabilitasyon ang Manila Zoo, na nakatakda namang buksan kasabay ng Rizal Day sa December 30, 2021 kung saan posibleng umabot sa 200 piso ang entrance fee para sa mga non-residence habang 100 piso naman sa mga residente ng Maynila. —sa panulat ni Angelica Doctolero