Wala pa ring inilalabas na permit ang Lokal na Pamahalaan ng Maynila para sa magsasagawa ng rally sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. sa Hunyo a-30.
Dahil dito, ipinayo ng Manila Police District na ikansela na lang ang gagawing kilos-protesta.
Maaari namang magkaroon ng aktibidad ang mga raliyista sa freedom parks ng lungsod gaya ng Plaza Miranda, Plaza Dilao, Plaza Moriones, at Liwasang Bonifacio.
Matatandaang una rito, sinabi ni MPD spokesperson Maj. Philipp Ines na hindi pahihintulutang mag-rally malapit sa National Museum kung saan magaganap ang panunumpa ni Marcos.