Hinikayat ng Manila LGUs ang publiko na samantalahin na ang pagbisita sa Manila Zoo habang libre pa ng entrance nito.
Ayon sa pamahalaang lokal, umaabot sa libu-libong katao ang naaakit at bumibisita sa pinaka bagong pasyalan kada araw.
Nabatid na nasa kabuuang sampung libo ang bilang ng mga bumibisita sa isang ordinaryong araw.
Nagpaalala naman ang pamunuan ng zoo na sa susunod na buwan, maaaring magsara muna ang zoo bilang paghahanda sa formal operations nito.