Magkakaroon ng libreng sakay sa mga senior at PWDs ang Manila LGUs kaugnay sa nalalapit na paggunita ng Undas 2022.
Ayon sa Manila City government, bibigyan ng libreng sakay sa e-trikes ang lahat ng mga PWDs at mga senior citizen na bibisita sa puntod ng kani-kanilang yumaong mahal sa buhay sa mga pampublikong sementeryo.
Magsisimula sa entry point ng Manila North Cemetery (MNC) at Manila South Cemetery (MSC) ang libreng sakay hanggang sa lugar kung nasaan ang puntod ng kanilang mga kaanak.
Inaasahan narin ng lokal na pamahalaan ang pagdagsa ng milyung-milyong mag-pupunta sa sementeryo sa undas kung saan, mahigpit na ipatutupad ang pagsunod sa opening at closing time ng dalawang sementeryo.
Bukod pa dito, ipinagbabawal rin ang pagtitinda sa loob ng sementeryo pero papayagang magdala ng pagkain ang mga bibisita sa puntod.
Tanging ang mga batang edad 12 pataas at fully vaccinated lamang ang papayagang makapasok sa loob ng sementeryo at kailangan rin na maipakita ang proof of vaccination.
Bukod pa dito, mahigpit ding ipatutupad ang “No Facemask, No Entry” policy sa loob ng sementeryo.