Sinimulan nang ipamahagi ng Manila City Government, ang monthly financial aid para sa mga senior citizen ng lungsod katuwang ang mga Barangay Chairman at Treasurer ng District 1.
Ayon sa Manila LGUs, ang monthly allowance ay bahagi ng apat na buwan o mula buwan ng may hanggang August 2022.
Siniguro din ni Manila Mayor Honey Lacuna, na otomatikong nasusunod ang distribusyon ng ayuda para sa mga elderly citizens o ang mga lolo at lola ng Districts 2 hanggang 6.
Ang bawat benepisyaryo ng naturang programa ay tatanggap ng P2,000 o P500 kada buwan.
Samantala, patuloy din sa pagbabakuna ang pamahalaang Lokal ng Maynila para sa mga senior citizen sa pangunguna ng Manila Health Department.
Nabatid na ang unang linggo ng Oktubre ay idineklara bilang Elderly Filipino Week, sa ilalim ng Presidential Proclamation no. 470, series of 1994, bilang parangal sa mahalagang papel at kontribusyon ng mga matatanda sa lipunan.