Namahagi ng tulong ang Manila LGUs sa 700,000 mga pamilyang naapektuhan ng kamakailang COVID-19 surge na nag dulot ng mas nakahahawang Omicron variant sa lungsod ng Maynila.
Nabatid na ang mga food box na ipinamahagi sa mga residente ng lungsod ay kasama sa Food Security Program (FSP) ng lokal na pamahalaan na nakaimbak sa San Andres Sports Complex.
Ayon sa pamahalaang lokal ng Maynila, mahalaga sa bawat isa ang pagkain lalo na sa mga mahihirap na pamilya ngayong nasa gitna parin ng pandemiya ang bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero