Makararanas ng siyam na oras na water service interruption ang aabot sa 230,000 customers ng Manila Water sa Makati at Manila.
Sa abiso ng Manila Water, pansamantalang mawawalan ng suplay ng tubig ang ilan sa kanilang mga customers mula alas-9 ng gabi bukas, Nobyembre 24 hanggang alas-6 ng umaga ng Miyerkules, Nobyembre 25.
Ito ay bunsod naman ng isasagawang valve installation sa bahagi ng Sta. Ana, Manila.
Ayon sa Manila Water, maaapektuhan ng water service interruption ang 80 barangay ng Manila City kabilang ang Barangays 763 hanggang 820, 866, 869 at 873 hanggang 891.
Gayundin ang mga barangay ng Bangkal, Bel-Air, Carmona, Kasilawan, La Paz, Olympia, Pio Del Pilar, Poblacion, San Antonio, San Lorenzo, Singkamas, Sta. Cruz, Tejeros at Valenzuela sa Makati City.
Kasunod nito, inaabisuhan ng Manila Water ang mga residenteng naninirahan sa mga apektadong barangay na mag-imbak ng sapat na supla ng tubig.