Inatasan na ni Manila Mayor Joseph Estrada ang MPD o Manila Police District na makipag-ugnayan sa ibang law enforcement units para mas mabilis na maaresto ang mga sangkot sa pagpapasabog sa Quiapo nitong weekend.
Sinabi ni Estrada na hindi siya naniniwalang gawa ng terorista ang pagsabog na una nang inako ng ISIS, at kailangang maaresto sa lalong madaling panahon ang mga sangkot dito.
Una nang sinabi ni MPD Dir. Chief Supt. Joel Coronel na mayroon na silang limang (5) persons of interest hinggil sa pagsabog at ang mga ito ay puro residente ng lungsod.
Samantala, sa labing tatlong (13) sugatan sa pagsabog, anim (6) na sa mga ito ang nakauwi na sa kanilang tahanan, habang nananatiling naka confine ang iba pa.
P15-M halaga ng mga ipinuslit na paputok ibinigay na ng BOC sa PNP
Ibinigay na ng Bureau of Customs (BOC) sa Philippine National Police (PNP) ang P15-M halaga ng mga ipinuslit na paputok, para masira at matiyak na hindi na makakaabot ang mga ito sa pamilihan.
Ayon kay Alvin Enciso, hepe ng Intelligence at Investigation Service ng Customs, sinimulan nila ang imbestigasyon matapos makatanggap ng report na mayroong mga ipinupuslit na paputok mula sa China.
Ang mga paputok na ito, aniya, ay idineklara ng importer bilang mga baso, bond paper at sanitary napkins.
Pinag – aaralan na ng otoridad ang pagsasampa ng kaso laban sa importer dahil sa maling pagdedeklara nito sa kargamento.
By Katrina Valle |With Report from Aya Yupangco