Nag-alok ng P. 100,000 Pisong pabuya si Manila Mayor Joseph Estrada para sa makapagtuturo upang maaresto ang Philippine Army Reservist na bumaril at nakapatay sa isang siklista sa Quiapo.
Kaugnay nito, sinabi ni Manila Police District Director Joel Coronel na dahil sa nasabing alok ng pamahalaang lungsod ng Maynila ay lalong liit ang mundo ni Vhon Michael Tanto.
Muling nanawagan si Coronel sa suspek na boluntaryong sumuko at harapin ang krimeng kanyang ginawa.
Tiniyak naman ng opisyal ang seguridad ni tanto sa sandaling mapasakamay ng batas.
By: Meann Tanbio