Suportado ni dating Pangulo ngayo’y Manila Mayor Joseph Estrada ang plano ni Pangulong Rodrigo Duterte na isailalim din sa martial law ang buong bansa kung mapapasok na rin ng Maute group ang Luzon.
Ayon kay Estrada, hindi niya tututulan ang pagpapatupad ng batas militar kung ang layunin nito ay masugpo ang terorismo at rebelyon sa buong kapuluan at mapanumbalik ang kapayapaan, kaayusan at maiwaksi ang katiwalian.
Inihalintulad pa ng alkalde ang naging hakbang ni Pangulong Duterte sa inilunsad niya noon na all out war laban sa MILF o Moro Islamic Liberation Front.
Samantala, tiniyak ni Estrada ang seguridad sa Maynila na itinuturing na seat of power ng bansa sa harap na rin ng posibilidad na mapuntirya ang lungsod ng mga terorista.
By: Meann Tanbio / Aya Yupangco