Kinumpirma ni Manila Mayor Franciso “Isko Moreno” Domagoso ang kanyang pagtakbo pagka-Pangulo sa 2022 national elections.
Inanunsyo ni Domagoso na magiging Vice Presidential running mate niya si 2019 Senatorial Candidate, Dr. Willie Ong.
Nakatakda naman ang pormal na deklarasyon ng tandem ni Yorme at Doc Willie sa lungsod ng Maynila, ngayong araw.
Samantala, nilinaw ng Alkalde na hindi pa sarado ang kanilang pinto para sa isang united opposition.
Kamakailan lamang ay tinanggap mayorisko ang pagiging Pangulo ng sinalihang aksyon demokratiko na itinatag ni dating Senador Raul Roco.—sa panulat ni Drew Nacino