Handa si Manila Mayor Isko Moreno na tumanggap ng bakuna mula sa China.
Ayon sa alkalde, payag itong mabakunahan ng COVID-19 vaccine na gawa ng Chinese pharmaceutical firm na Sinovac hanggat nakumpleto nito ang mga kinakailangang dokumento at approval mula sa pamahalaan.
Mas mainam pa rin aniya na magkaroon sya ng proteksyon laban sa virus kaysa sa ganap na wala.
Dagdag pa ni Moreno, mapa bakuna man ng China o anumang produktong may sertipikasyon mula sa Food and Drug Administration (FDA) at mga eksperto sa bansa na nagpapatunay na ligtas ito ay handa niyang ipaturok sa kanyang katawan.