Isang linggo bago ang pansamantalang pagsasara ng mga sementeryo, ininspeksyon ng Manila Police District ang Manila North Cemetery, na pinaka-malaking sementeryo sa Metro Manila.
Pinangunahan ni MPD Director Brig. Gen. Leo Francisco ang inspeksyon kasabay ng pagpapa-alala sa mga magulang na huwag nang magsama ng mga bata kapag sila ay dadalaw sa mga yumao nilang kaanak.
Hindi rin naman anya papapasukin ang mga bata dahil ipinagbabawal ang menor de edad na lumabas alinsunod sa kautusan ng IATF, maliban na lamang kung essential o para sa outdoor exercises.
Pinayuhan din ni Francisco ang mga nagbabalak bumisita sa na huwag nang tangkaing magdala ng matatalas na bagay at mga posibleng pagmulan ng sunog, gamit sa pagsusugal at sound system.
Nakahanda rin ang MPD Sa inaasahang pagdagsa ng mga dadalaw hanggang sa pagsasara ng mga sementeryo sa Biyernes, Oktubre 29. –Sa panulat ni Drew Nacino