Isasarado ngayong Sabado October 29, 2022 ang Manila North Cemetery at Manila South Cemetery dahil sa Bagyong Paeng.
Alinsunod sa utos ni Manila Mayor Honey Lacuna-Pangan matapos ilagay ang Metro Manila sa Tropical Cyclone Wind Signal No. 2. ang mga lugar sa ilalim ng TCWS no.2 ay makararanas ng malakas na hangin sa loob ng 24 oras.
Ayon sa Weather Bureau, makararanas ng katamtaman hanggang malakas na pag ulan ngayong umaga ng sabado ang Metro Manila, Aurora, Bulacan, Negros Occidental, Northern Samar, silangang bahagi ng Cagayan Valley, at ilang bahagi ng CALABARZON at Palawan. patuloy namang makararanas ng malakas na pag-ulan ngayong sabado ng umaga hanggang gabi ang Metro Manila, CALABARZON, Marinduque, Romblon, Mindoro, at kanlungang bahagi ng Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands. —sa panulat ni Maze Aliño – Dayundayon