Nakatakda na muling buksan sa undas ang Manila North Cemetery, ang unang beses simula nang tumama ang COVID-19 pandemic.
Bukas sa publiko ang norte simula Oktubre a–29 hanggang Nobyembre a–2 o sa mismong araw ng mga patay.
Ayon kay Roselle Castañeda, Direktor ng Manila North Cemetery, kailangang magpakita lamang ng COVID-19 vaccination card ang mga bibisita habang hindi papayagang pumasok ang mga batang edad dose pababa.
Nananatiling bawal ang pagdadala ng alak, matutulis na bagay at anumang armas.
Magugunitang isinara ang Cementerio del Norte at iba pang himlayan sa Metro Manila at buong bansa noong undas 2020 at 2021 dahil sa pagkalat ng COVID-19 virus.