Ngayon pa lamang ay nagpalabas na ng paalala ang pamunuan ng Manila North Cemetery kaugnay ng paggunita ng Undas.
Batay sa abiso, pansamantalang ititigil ang paglilibing sa Manila North Cemetery mula October 29 hanggang November 2.
Maliban dito, ipagbabawal na mula alas-6:00 ng gabi ng October 29 hanggang november 2 ang pagpasok ng lahat ng uri ng sasakyan sa sementeryo.
October 29 din ang huling araw ng paglilinis at pagpipintura ng mga puntod.
Samantala, mahigpit ding ipinagbabawal ng Manila North Cemetery ang pagdadala ng baril o anumang matutulis na bagay tulad ng kutsilyo, screw driver at iba pa.
—-