Patuloy na nagpapatupad ng hakbang ang Lungsod ng Maynila upang manatili ang pagiging “Green City” nito.
Ito ang sinabi ni Manila Mayor Honey Lacuna.
Dagdag pa ni Lacuna, bumuo ng tatlong grupo ang Department of Public Services upang linisin ang mga daluyan ng tubig sa lungsod.
Aniya, ang mga Estero Rangers ang nakatoka sa paglilinis ng drainage at iba pang daluyan; ang mga mandaragat naman ang naatasang maglinis ng manila bay at ang mga baseco beach warriors ang taga dampot ng basura sa Manila Bay.
Samantala, naglabas din si Lacuna ng executive order na nag-uutos sa mga empleyado ng City Hall na linisin ang kanilang opisina tuwing Biyernes. – sa panulat ni Hannah Oledan