Handa ang Manila Police District (MPD) para sa paggunita ng Semana Santa ngayong taon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni MPD PIO Chief, Major Philipp Ines na nakalatag ang kanilang security plan para rito.
Kabilang aniya sa kanilang mahigpit na babantayan ang Quiapo Church lalo na ang magaganap na motorcade sa Biyernes Santo. —sa panulat ni Airiam Sancho