Naghahanda na ang pamunuan ng Manila Police District (MPD) para sa inaasahang pagdagsa ng mga mamimili sa Holiday season sa Divisoria.
Ayon kay MPD spokesperson Pol. Major Philipp Ines, mahahati sa dalawang station ang deployment ng mga pulis.
Magpapakalat ng mahigit 70 personnel sa station 2 habang 80 ang ide-deploy sa station 11.
Madaragdagan pa ito na aabot sa 1,500 pagsapit ng December 16 kung saan magsisimula ang simbang gabi.
Samantala, palalakasin pa ng pulisya ang kanilang presensya para sa seguridad ng mga mamamayan at mga magtutungo sa nabanggit na lugar. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla