Nakatakda nang lagdaan sa Nobyembre nina Pangulong Rodrigo Duterte at Japanese Prime Minister Shinzo Abe ang kasunduan na magbibigay daan para sa konstruksyon ng mega Manila Subway Project.
Ayon kay Transportation Secretary Arthur Tugade, layunin ng proyekto na ma-decongest ang nararanasang masikip na daloy ng trapiko sa Metro Manila lalo’t pagdurugtungin nito ang kalakhang Maynila at mga karatig lalawigan.
Naghahakalaga ang 25 kilometer phase 1-Mega Manila Subway Project ng 227 million pesos na sisimulan sa huling bahagi ng taong 2019 at inaasahang matatapos sa taong 2024.
Magkakaroon ito ng labintatlong (13) istasyon mula Quezon City hanggang Taguig City at inaasahang aabot as tatlundaang libo (300,000) ang magiging pasahero kada araw.
Samantala, posibleng matapos na sa Hulyo ng Japan International Cooperation Agency (JICA) ang isinasagawa nilang feasibility study na ipipresenta naman sa gobyerno.
By Drew Nacino
Manila Subway Project inaasahang malalagdaan na was last modified: April 19th, 2017 by DWIZ 882