Hindi na sisingilin ng Manila Water ang gobyerno sa arbitral award na P7.4-B sa kanila ng permanent Court of Arbitration sa Singapore.
Sa pagdinig ng house committee on good government and public accounts sinabi ni Manila Water President at CEO Jose Almendras na hindi na nila pagbabayarin ng nasabing halaga ang gobyerno.
Makikipagtulungan din aniya sila sa MWSS para pag-aralan ang concession agreement.
Bukod dito sinabi ni Almendras na iniatras na nla ang inaprubahang taas singil sa January 2020.
Samantala sinabi naman ni Maynilad President at CEO Ramoncito Fernandez na pag-aaralan pa nila kung itutuloy ang water rate hike sa susunod na taon.