Lumagda ang Manila Water Company Inc. ng P200M loan facility sa Bank of the Philippine Islands para sa Bulakan Water.
Gagamitin ito para sa pagpapalawig at pagpapabuti ng service facility, water source, distribution system, at provision of sanitation services sa Bulakan Water.
Nabatid na una nang nakuha ng Razon’s Prime Metroline Holdings Inc. Trident Water Company Holdings ang 51% voting interest sa Manila Water Company.