Mananatili pa ring mababa ang alokasyon ng tubig sa Manila Water Company, Inc.
Ito mismo ang inanunsyo ng Manila Water dahil sa anila’y patuloy na pagbaba ng lebel ng tubig sa Angat at Ipo dam bunsod ng madalang na pag-ulan.
Sa kasalukuyan nasa 40 cubic meters per second ang alokasyon ng tubig para sa mga consumer sa Metro Manila at mananatili pa rin ito.
Higit na mababa ito sa 46 cubic meters per second na normal na alokasyon ng tubig.
Kasabay nito, sinabi ng Manila Water na asahan ang pagkakaroon ng karagdagang operational adjustments dahil sa limitadong suplay ng tubig.
Tulad na lamang ng pagpapatupad ng rotational water service interruption sa mga susunod na araw.