Mahaharap sa demanda ang Manila Water kapag hindi nag deliver ng sapat na supply na kailangan ng mga pampublikong ospital.
Ayon ito kay Health Secretary Francisco Duque III matapos mag reklamo ang Rizal Medical Center sa kulang na supply ng tubig ng Manila Water sa mga nasasakupan nito.
Sinabi sa DWIZ ni Duque na dapat maging priority ng Manila Water ang rasyon ng tubig sa mga public hospitals.
“Pwede silang i-demanda, pwede silang kasuhan so I’m sending notice to Manila Water. You cannot avoid not to provide sufficient water to our public hospitals.”
Pinakilos na ni Health Secretary Francisco Duque III ang pamunuan ng Rizal Medical Center para tiyakin sa Manila Water ang supply kada araw ng sampu hanggang 20,000 galon ng tubig.
Binigyang diin sa DWIZ ni Duque na dapat maging priority ang isang pampublikong ospital tulad ng RMC para rasyunan ng tubig na kailangang kailangan sa araw araw na operasyon ng ospital.
“Hindi pwedeng maapektuhan yung operations ng ospital dahil very very crucial and critical ang services dahil syempre kailangan ng tubig for operations, kailangan ng tubig pangligo, mga sanggol at ng mga bagong panganak, kailangan ng tubig for hygiene, for flushing of toilet, so napaka importante niyan because it is a public facility, it must be given priority. Dapat naiintindihan ng Manila Water yan hindi yung ganung patumpik, tumpik lang sila.”