Makararanas ng water interruption ang ilang customer ng Manila Water at Maynilad sa ilang lungsod sa Metro Manila.
Batay sa abiso ng Maynilad, asahan ang water service interruption sa Parañaque City, Malabon City, Caloocan City at Quezon City.
Makakaranas ng mahina hanggang sa walang tubig sa ilang barangay sa mga nabanggit na lungsod dahil umano sa mataas na demand ng bagbag reservoir.
Magkakaroon din ng water service interruption sa Muntinlupa, Las Piñas, Bacoor at Imus dahil naman sa maintenance activity sa Putatan Water Treatment Plant sa Muntinlupa.
Our customers in portions of Caloocan City, Malabon City and Quezon City will experience low pressure to no water. This is due to high demand in Bagbag Reservoir. We apologize for the inconvenience. Thank you. @mwssro @QuezonCityInfo @CaloocanCityLGU @MalabonPIO pic.twitter.com/xSMXQmPXS9
— Maynilad (@maynilad) May 24, 2021
Samantala, batay naman sa abiso ng Manila Water, inaasahang mararanasan ang water service interruptions mula May 25 hanggang May 27 dahil rin sa maintenance work.
Ang mga apektadong customer ay mula sa Rizal, Quezon City, Pasig City at Makati City.
SERVICE ADVISORY: Schedule of maintenance works this week, May 24-27, 2021 in parts of Taguig, Quezon City, Pasig, and Makati; and in parts of Cainta, Teresa, and Morong, Rizal.
Stay updated and know more about these activities by visiting this link: https://t.co/7ybX1L9osd. pic.twitter.com/LgMZtvy1SL
— Manila Water (@ManilaWaterPH) May 24, 2021