Pinalawig ng 30 araw ng Manila Water ang due date sa pagbabayad ng kanilang mga customers.
Kasunod ito ng ipinatutupad na enhanced community quarantine sa buong luzon dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.
Ayon kay Manila Water President at Chief Executive Officer Rene Almendras, sakop ng pinalawig na due date ang water billing na pasok sa quarantine period.
Tiniyak din ni Almendras na binibigyan nila ng halaga ang kalagayan ng kanilang mga customers kasabay ng paghimok na sundin ang panawagan ng pangulo na manatili lamang sa mga tahanan.
Tuloy-tuloy din aniya ang pagbibigay nila ng suplay ng tubig sa lahat ng kanilang mga customers maliban na lamang kung magkakaroon ng emergency repairs at mahahalagang maintenance activities.
Una nang nagpatupad ng katulad ng extended billing due date ang Maynilad at iba pang mga nagbibigay serbisyo tulad ng Meralco, PLDT, Smart, Globe, Skycable, Eastwest Bank, BPI at iba pa.