Muling magpapatupad ng rotational water service interruption ang Manila Water sa Metro Manila at Rizal simula sa Huwebes, October 24.
Ito, ayon sa abiso ng Manila Water, ay dahil inaasahan ang patuloy pang pagbaba ng antas ng tubig sa Angat Dam.
Sinabi ng Manila Water na kailangang mapagkasya ang kakaunti nang suplay ng tubig hanggang sa susunod na tag-araw at maging sa kabuuan ng susunod na taon sakaling hindi na umabot pa sa inaasahang 212-meters na water level sa Angat Dam sa pagtatapos ng 2019.
Kabilang sa mga apektado ng rotation water service interruption ang maraming barangay sa Makati, Mandaluyong, Maynila, Marikina, Pasig, Parañaque, Pateros, Quezon City, San Juan at Taguig.
Gayundin sa mga brangay sa bayan sa rizal tulad ng angono, antipolo, baras, binangonan, cainta, taytay, jala jala, san mateo, rodriguez at teresa.
ALAMIN: Listahan ng mga lugar (Manila Water customers) na posibleng makaranas ng rotational water service interruption mula Huwebes, Oktubre 24, 2019 | via @ManilaWaterPH pic.twitter.com/HoI1GtJEBc
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) October 22, 2019
Kasabay nito, nanawagan ang Manila Water sa mga customer na mas maging responsable sa paggamit ng tubig sa loob at labas ng tahanan.
Pinayuhan din ang mga apektadong residente na mag-ipon ng sapat na dami ng tubig para matugunan ang pangangailangan sa loob ng mga oras na walang suplay ng tubig.