Humirit ng dagdag-singil sa tubig ang Manila Water simula Enero ng susunod na taon.
Kailangan ng dagdag-singil upang mapaganda ang kanilang serbisyo at mapunan ang kailangang 180 billion pesos para sa operasyon nito sa susunod na anim na taon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Corporate Communication Head ng Manila Water, Gittie Galang, ang karagdagang 8 pesos per cubic meters ang hirit ng nasabing water concessionaire kaya’t magiging P35.86 na ang magiging singil kada cubic meters simula Enero mula sa kasalukuyang P26.81 kung aaprubahan.
Ipinunto anya na walang rate adjustment sa 2020 hanggang 2022 sa kabila ng pag-apruba ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS). —sa panulat ni Jenn Patrolla