Nakatakda muling magbukas ang Manila Zoo sa publiko bukas, araw ng Lunes, Nobyembre 21.
Pinasilip ng Manila Public Information Office ang isinagawang renovation, tatawagin itong Manila Zoological and Botanical Garden kung saan tampok ang mga hayop at halaman na magiging dagdag kaalaman sa mga bisita lalo na sa mga bata.
Samantala, itinaas sa 300 ang entrance fee sa Manila Zoo sa mga hindi residente ng maynila habang 150 sa mga naninirahan sa lungsod. mayroong 100 diskwento para sa mga mag-aaral at libre sa mga batang edad 2 pababa.
Bukas ang manila zoo simula alas-9 ng umaga hanggang alas-6 ng gabi at matatagpuan sa M. Adriatico street sa malate. - sa panunulat ni Maze Aliño- Dayundayon