“Pwedeng maging ‘choosy’ o mapili sa Maynila.”
Ito ang inihayag ni Manila Mayor Isko Moreno sa mga Manileño na pipiliing hindi magpabakuna.
Ayon kay Moreno, may karapatan ang bawat Manileño na umayaw o pumayag na mabakunahan kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19), dahil wala naman aniyang nakasaad sa batas na nag-oobliga rito.
Ibig sabihin, ani Moreno, ang bakuna kontra COVID-19 ng lungsod ay nakalaan lamang sa sinumang boluntaryong magpapaturok nito.
Kung kaya’t, ani Moreno, sa mga gustong magpabakuna, magparehistro na online.
Nilinaw naman ni Moreno na ang mga residente ng lungsod na hindi nakapagparehistro ay pupwede pa rin namang mabakunahan bilang ‘walk-ins’ ngunit mas matagal nga lang ang proseso dahil dadaan ang mga ito sa interview.
Mababatid na gagawin ang naturang mass vaccination sa mga paaralan sa lungsod para mas marami ang mabigyan nito.
Oras namang matapos na mabakunahan ang isa tao, ay papupuntahin ito sa isang lugar kung saan ito oobserbahan sakaling magkaroon ng reaksyon ang bakuna sakanya.
Sa huli, pinawi ni Moreno ang agam-agam ng publiko sa gagamiting bakuna, at sinabing tanging awtorisadong lamang ng FDA ang gagamitin nito.