Iimbestigahan ng Department of Agriculture (DA) ang posibleng manipulasyon sa presyo ng bigas.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, nais malaman ng ahensya ang dahilan kung bakit hindi bumababa ang presyo ng bigas sa merkado.
Ito ay sa kabila ng napakaraming suplay dahil sa pagbaha ng mga imported rice at paglalabas ng National Food Authority (NFA) ng higit 3-M sako ng bigas sa merkado.
Dagdag pa ng kalihim, nais nila malaman kung mayroon bang umano’y “fair trade” o sabwatan sa pagitan ng importers, traders at millers.
Katuwang ng ahensya ang Philippine Competition Commission (PCC) sa naturang imbestigasyon.
Samantala, nilagdaan na ang isang kasunduan sa pagitan ng DA at PCC para sa information at resources sharing sa pagitan ng dalawang ahensya.