Bumagsak sa ika-walong ranggo sa top 10 pound for pound fighters in the world ng Sports Illustrated, si Pambansang Kamao, Manny Pacquiao.
Ayon sa Sports Illustrated, napunta sa ika-walong puwesto si Pacman, dahil sa pagkatalo nito sa kanyang laban kina Juan Manuel Marquez at Floyd Mayweather Jr.
Nasa pang-siyam na puwesto naman si Timothy Bradley, na muling makakaharap ni Pacman sa Abril, ang kanyang huling laban bago magretiro.
By Katrina Valle