Aminado si 8th Division World Champion Manny Pacquiao na nakikipag-negosasyon pa rin siya sa kampo ni Floyd Mayweather Junior para sa kanilang posibleng rematch.
Ito, ayon kay Pacman, ay kahit pa nagretiro na si Mayweather matapos ang laban nito kay Andre Berto, noong Setyembre.
Umaasa ang Pambasang Kamao na magkakaroon pa ng rematch bago siya magretiro at tutukan ang kampanya para sa pagka-senador sa 2016 elections.
Una ng inanunsyo ni Top Rank CEO Bob Arum na posibleng sa Abril 10 ng susunod na taon ang huling laban ni Sarangani Rep. Pacquiao bago tutukan ang kampanya.
By: Drew Nacino